Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Grethcel, Petro Gazz target ikatlong ‘W’

0 32

Third win sa 2021 Premier Volleyball League Open Conference ang puntirya ni open spiker Grethcel Soltones at ng Petro Gazz Angels sa bakbakan ng mga ito kontra PLDT Home Fibr Power Hitters ngayong alas-6 ng gabi sa PCV Socio-Civic & Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Pinamunuan ni Soltones ang Petro Gazz, may 2-1 win-loss record, nitong Biyernes matapos magwagi 25-22, 25-18, 25-21 laban sa Cignal HD Spikers.

Humataw si Soltones ng 14 points, habang tumulong sina Myla Pablo at Ria Meneses ng tig-10 puntos, naramdaman din ang presensiya ni Kath Arado na nagtala ng 23 digs at 12 excellent receptions.

“Kailangan pa talagang trabahuhin para sa future games,” litanya ni head coach Arnold Laniog. “So, one game at a time. Ang importante nanalo.” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.