Una sa Balita

Gretchen ninakawan sa London

By
0 349

Naku, sino ang may sabi na ang Pilipinas ay ang bansa ng mga magnanakaw?

Aba, aba, hindi, noh!

Kahit sa yayamaning bansa ay nagkalat din ang mga magnanakaw, mandurukot at syala-syalahan ang drama nila, huh!

Ang latest victim nga ay ang ‘Umagang Kay Ganda’ host na si Gretchen Ho na ibinahagi ang kanyang karanasan sa Oxford, London kung saan, habang nagpi-fit siya ng mga damit sa isang department store nang ma-lost in space nga ang kanyang bag na may mga lamang pera, credit cards, passport at iba pang importanteng documents.

Inilapag lang daw ito tapos may isang magandang babae ang sumalisi sa kanya na hindi naman niya akalain na sa isang mayamang bansa ay meron din palang magnanakaw, huh!

Nagkatinginan pa nga raw sila nito sa salamin, pero wala sa hinagap niya na ‘yun na pala ang salarin. Kakalokah, devah?

Ayon sa mga locals at OFWs dun, ganun daw kung umayos ang mga mahahaba ang kamay, na bihis-yayamanin at kilos-syala para hindi pagdudahan na may gusto pala silang pitikin na gamit, o anumang sa tingin nila ay mapapakinabangan.

Mabuti na lang at may mga Pinoy na tumulong kay Gretchen upang mapa-deactivate nito ang kanyang credit cards or else, devah? For sure, maging ang passport niya ay inaa­yos na rin para mapalitan ito.

Dahil sa nangyaring ito sa kanya, na-realize ng TV host na dapat na nga siguro ay magkaroon na siya ng dyowa uli para meron siyang guardian angel.

Oo nga naman, noh!

Kung si Robi Domingo nga ay may dina-date na, aba, it’s time for her to do the same. She deserves happiness, too!

Naman! ()