Una sa Balita

Gretchen, Mommy Inday yakapan, beso-beso sa lamay ni Daddy Miguel

0 951

“And then, We are Complete,” ang pambungad na caption ni Claudine Barretto sa napaka-importante, memorable, makabagbag-damdamin na video na pinost niya sa kanyang Instagram.

Ang laman ng video nga ay ang ‘reconciliation’ sa pagitan nina Mommy Inday (nanay ng mga Barretto) at ni Gretchen Barretto.

Imagine, halos anim na taon na ang nakararaan nu’ng pumutok ang away sa pagitan nina La Greta at ng kanyang pamilya mismo. Bukod pa ito sa paulit-ulit na away nila noon. Nariyan ‘yung kampihan sa pagitan nina Claudine, Marjorie vs. Gretchen. Meron ding Gretchen, Marjorie vs. Claudine. At recently nga ay Claudine, Gretchen vs Marjorie.

At sa burol ng ama ng mga Barretto, si Mr. Miguel Barretto, nga naganap ang pagbabati naman nina Gretchen at Mommy Inday Barretto.

“@gretchenbarretto I’m so Proud of u. I admire & luv u more today #doubleinfinity #thatsmyAte WELCOME HOME,” karugtong na saad pa ni Claudine sa video.

Ang laman nga ng video, makikita na nakaupo sa harap ng kabaong sina Mommy Inday, kausap si President Rodrigo Duterte, at iba pa. At maya-maya nga ay makikita rin na dahan-dahan na naglalakad si Gretchen palapit sa grupo sa harap ng kabaong.

Unang tumayo ang nanay ni La Greta na nakaharap nga sa pintuan, kaya kitang-kita ang mga taong dumarating. At tumayo na rin si Pres. Duterte, at nagharap sila ni La Greta.

Matapos magkamay, magbeso-beso, hawak-hawak ni Pres. Duterte ang kamay ni Greta, na masinsinan ang pag-uusap. At ilang segundo lang, makikita rin na naglakad na si Mommy Inday palapit mismo kay Greta.

At ilang segundo rin lang ang nakausap, lumapit na rin si Gretchen kay Mommy Inday, at doon nga naganap ang mahigpit na yakapan sa pagitan nilang dalawa.

‘Yun na yata ang pinaka-emotional na yakap na nasaksihan ng mga tao. Yakap na mahigit kalahating dekada na hindi nakita ng mga tao sa pagitan ng mag-ina.

Mababasa mo sa mga komento kung paano ipinaramdam ng mga netizen ang kaligayahan nila sa pagbabati na ‘yon. At kung paano sila naluha dahil sa pangyayaring ‘yon.

bonzieknight1645: “Finally all our prayers were answered. Praise God!”

cue_photos: “Been waiting for this po. God is good to you po! We shall always declare, ‘it is well with my soul’!”

edithafrodriguez: “Sobra iyak ko now…ur dad is sooo happy now.”

robertsandag: “I’m teary eyed what ever happened family is most important than anything else.”

mitchie._mitch: “Praise the Lord… there is nothing impossible kung love ang mangingibabaw sa lahat lalo na kapag no.1 si Lord ang center sa buhay natin (hearts) tears of joy na miss nila ang isat isa.”

watchm0de: “Naiyak ako, that hug, that one simple hug could take years of pain away from each other’s chest… salamat Allah.”

piamae15: “Your father must be very happy to see you all there together.”

simplyme_elvie: “I’m crying with happiness to see Gretchen with her mom! Daddy Miguel is happy watching.”

Anyway, bago ang pagbabati na ‘yon ng mag-ina, nauna ngang dumating si Pres. Duterte, at si Claudine mismo ang sumalubong sa kanya.

“Thank you Mr.President. Its an Honor to have u pay your Respects to my Dad. Godbless u Mr. President, Senator Bong Go & Atty. Panelo.”

Si Gretchen ay malapit nga kay Pres. Duterte, at madalas nga ay kasama si La Greta sa mga lakad ng Pangulo sa ibang bansa. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy