Una sa Balita

Gretchen matulungin sa iba pero walang paki sa nahospital na ama

By
0 4,893

Nasa hospital nga ang tatay ni Claudine Barretto, si Mr. Mike Barretto, at siyempre isa sa mga bumisita ay si Claudine. Makikita sa Instagram ni Claudine ang photo nila ng daddy niya na nasa hospital bed, at naka-hospital gown.

At bagama’t naka-smile sila sa photo, ramdam mo na may iniinda talaga ang tatay ni Claudine, na bukod sa hindi na maitago ang edad, payat din ito.

“Get well soon Dad @miguelbarretto we luv you so much,” sabi ni Claudine.

Abante Hiring – IT dep

Puring-puri nga si Claudine ng mga fan, dahil sa kahit na anong sitwasyon sa mga magulang niya, palagi siyang nasa tabi ng mga ito.

Sabi ni @azelamour, “You have a good heart and such a good daughter to your parent­s, kudos to you and God bless you and your family! Hope your dad will feel better soon.”

At siyempre, nabuksan na naman ang kuwento na matagal na ngang hindi pinag-uusapan, at ‘yun ay ang relasyon ni Gretchen sa mga magulang niya, o sa mga Barretto.

Sabi ni @iammysteriouzz81 “Where’s Gretchen this is the time for her to see ur great dad idol Clau God bless. @gretchenbarretto this is the time Miss Gretch.”

Dahil doon, nagsunod-sunod na ang mga komento sa isyung ito. Muli ngang dinalirot ang sugat na nanahimik lang, pero hindi gumagaling-galing.

@mezowzel, “She’s bc kakabigay ng tulong sa iba. Yung sarili nyang tatay d nya mabisita.”

@32inday, “@gretchenbarretto she eat a lot pridecheckin hahah este pride pala. This time she should think her parents not getting any younger before its too late.”

Eh, hindi nakuntento ang mga netizen na sa wall lang ni Claudine sila mag-post ng paghahanap nila kay Gretchen, kaya pati sa Instagram wall mismo ni La Greta ay kinuwestiyon nila ito kung bakit ni hindi man lang dalawin ang tatay nitong may sakit.

@annebisyosa73, “It’s just so heart breakin­g you are helping so many people, but your own dad is in the hospital waiting for you to visit. I think he don’t need money all he need is that her daughters to get along before anything happen. I hope you find in your heart to forgive and let go, prayers for your family and to your dad.”

Sa puntong ito, marami ang nagulat na biglang sumagot si Gretchen. Eh, noon pa man, sanay na si La Greta na dedmahin ang mga nagkokomento sa Instagram wall niya.

@gretchenbarretto, “@annebisyosa73 what do you know?! To each his own. Stay out of my personal life. I don’t need your unsolicited advice. You know NOTHING ABOUT MY PAIN!”

Heto pa ang mensahe ng netizen na si @zulonairos, “Ask ko lang ha Gretchen panay ang pamigay mo ng mga wishes ng mga taong may kapansanan pero ang tatay mo may sa­kit na nabibisita mo ba siya o nakakausap to show your love and affection kasi dapat family first di ba bago ang iba wag mong mamasamain kasi avid fan mo ako lalo mo nga akong napahanga sa mga pagtulong mo sa mga may mga kapansanan pero sana habang buhay pa siya mas mapasaya mo siya o sila ng nanay mo pero sorry din ha kasi wala akong alam sa estado ng relationship nyo ng pamilya nagtatanong lang naman God bless and sana wish ko na mas maraming marami pa kayong matulungan na mas higit na nangangailanan.”

At muli, hindi nagtimpi si Gretchen na sagutin ang mensaheng ito.

“@zulonairos since you admitted that you know nothing about my relationship, I believe it is best for you to stay out of MY PERSONAL LIFE. It is none of your business.”

Well…