Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gretchen lumikom ng 50 bisikleta

0 74

Nakatanggap ng 50 biskleta na ihahandog niya sa mga residente ng Pasig City si dating Philippine SuperLiga (PSL) at TV host Gretchen Ho mula kina 2018 Miss Universe Catriona Gray, actor Sam Milby at ilan pang organisasyon sa pamamagitan ng kanyang #DonateABikeSaveAJob.

Sa Instagram post nitong Miyerkoles, ibinahagi ng former Petron Blaze Spikers middle blocker-open spiker, ang ilan sa mga larawang kasama si Gray at ang mga donasyong bisikleta.

“Our Miss Universe Catriona Gray (@catriona_gray) together with @samuelmilby, and Cornerstone Talents (@cornerstone @visionerickson), Secret Scents (@secretscentsph) and Medigrade Philippines (@medigradeph) donate 50 bicycles to Pasig City residens,” pahayag ng 30-taong gulang at 5-6 ang taas na Manilenya.

“Thank you for supporting the #DonateABikeSaveJob project My @cornerstone family is the best. Salamat sa walang-sawang pagtulong, lalo na sa pandemyang ito! Special mention sa manager kong si @visionerickson na nakunan ako kaagad ng pledge for 250 bikes,” hirit ng dalaga.

Umabot na sa 185 bike ang naipamudmod ni Ho. (Janiel Abby Toralba)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.