Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gretchen humirit ng ayuda

0 327

ISA si athlete-host Gretchen Ho sa namomroblema matapos maglabas ng cease-and-desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) para sa ABS-CBN TV Plus sa Metro Manila at SKY Direct nitong Martes.

“Gusto po talaga nila tayo mawalan ng trabaho. Anona? Bigyan niyo kami ng mga katrabaho ko ng ayuda ha,” punto ni Ho sa kanyang tweet.

Matatandaan na certified Kapamilya si Ho na isang host sa isang morning show.

Napagtanto rin ng former Ateneo Lady Eagle star ang magiging epekto nito sa kanilang tahanan.

“Narealize ko lang.. SkyCable at TVPlus lang ang meron namin sa bahay. Ano nang panunuorin namin ng magulang ko,” tweet pa nito. (JAT)

Leave A Reply

Your email address will not be published.