Una sa Balita

Gretchen Ho nakiisa sa rally ng Kapamilya

0 503

Nitong Araw ng mga Puso ay nagpahayag ng nararamdaman ang mga empleyado ng ABS-CBN at mga non-government organization, at nagtipon-tipon nga sila sa labas ng gate ng Kapamilya network, upang ipaglaban ang sigaw ng mga puso nila na “press freedom.”

Ipagtanggol ang kalayaan sa pamamahayag nga ang kanilang sigaw. At tamang-tama naman ang oras dahil lahat sila ay nakasuot ng pula bilang simbolo nga ng kanilang ipinaglalaban, at tamang-tama sa Araw ng mga Puso.

Kasama sa nakiisa sa rally at nakasuot ng kulay pula ay ang mga media personality na sina Zen Hernandez, Jorge Cariño, Jeff Canoy. Nandoon din ang isang GMA reporter na si Jun Veneracion.

Spotted din na nakapula at sumusuporta sa protesta ang “The Killer Bride” actor na si Chris Villanueva at “Umagang Kay Ganda” host na si Gretchen Ho.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang host na si Gretchen nang hingan ito ng mensahe tungkol sa nagaganap sa mga oras na ‘yon, pero makikita na kaisa talaga siya sa laban na iyon dahil nakasuot din siya ng pula. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More