Una sa Balita

Gretchen Ho kinainggitan kay Nam Joo Hyuk

By
0 2,793

Nasa Los Angeles, California si Gretchen Ho para sa special coverage ng NBA All Star. Si Gretchen ang reporter ng ABS-CBN sa pa-event na ito ng NBA, at yes, sentro siya ng inggit ngayon, ha!

Ang nakakaloka lang, kinaiinggitan siya ngayon hindi dahil sa mga NBA player, kundi dahil sa guwapong Korean na si Nam Joo Hyuk, na sikat na sikat dito sa Pilipinas, dahil sa mga Korean drama niya na ipinalabas dito kamakailan.

“Good morning guys. Hindi naman ako masyadong kinilig. Hindi naman! #abangan #exclusive,” sey ni Gretchen na kitang-kita ang matatamis na ngiti sa mukha habang kaharap ang guwapong

Korean.

Makikita sa Instagram post na ito ni Gretchen na inggit na inggit sa kanya ang mga follower niya.

“Makapamura ako sa pic na ito ah. I’m so jealous. Shock. Love you Gretchen!” sabi ni marz120429.

“Mapapa-holly sh*t ka na lang talaga! wuhuhu!” sey naman ni karenstiago.

“Wah! Nam Joo Hyuk kainggit naman. Warrior din pala!” sabi naman ni jess_mae1407.

“Ate Gretchen why so swerte?” sabi naman ni ghelatine.

Anyway, marami ang nagsasabi na halos kahawig daw ni Robi Domingo si Nam Joo Hyuk, ha! (Dondon Sermino)