Una sa Balita

Gretchen Ho ingat na sa pinupusuan

0 308

Maingat na ngayon si Kapamilya host Gretchen Ho sa pag-like ng mga pino-post sa social media lalo’t marami aniyang mga tao na assumera.

“Mahirap nang mag ‘like’ ngayon sa social media. Daming assumption. #BeCarefulWhatYouLike,” ayon sa tweet ni Gretchen.

Wala namang binanggit na pangalan si Ho kung sino at aling post ang kanyang ni-like, pero ‘yun na nga, may mga nag-assume na pinusuan niya ang isa sa mga post ni Robi Domingo. Hanggang ngayon kasi ay ‘di pa makapag-move on ang ilan sa naging past ng dalawang magaling na host ng Kapamilya network.

At hanggang ngayon ay nagku-krus ang landas ng dalawa dahil epektib silang mag-host na magkasama.

“Hindi porke sikat yung nagsabi totoo na. Gaya ng pinapauso ni @gretchenho about ‘likes’. Pag nilike ng isang tao ang tweet, the obvious meaning is he/she agrees/supports/LIKES the tweet. The world shouldn’t adjust for you,” sagot naman dito ng isang netizen.

“Kaya nga dapat mag-ingat. Yun ang punto nung tweet na yun. Check the hashtag,” natatawang retweet naman dito ni Ho.

So, to like or not to like? That is the question pa rin. (Jun Lopez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy