Una sa Balita

Gretchen Fullido muntik madaganan, mahiwa ng ceiling fan

0 558

Matapos ang pagyanig ng magnitude 6.5 na lindol sa Mindanao, at sumunod ang mga aftershock, mas lalong nabahala hindi lamang mga residente roon kundi pati ng lahat ng mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng bansa at mundo.

Si Gretchen Fullido na showbiz anchor ng “TV Patrol” ay naroon nga sa Davao para sa torch relay kick off ng #2019SEAGamesDavao kung saan kasama niya sina Robin ‘Binoe’ Padilla at Senator Bong Go.

Ikinuwento ni Gretchen sa kanyang social media kung gaano nila kalakas naramdaman ang hindi inaasahang pangyayari. Ayon kay Gretchen, agad silang pinalikas sa gusaling tinutuluyan nila. Hindi maitago ang labis na takot ng reporter dahil first time lang niya na ma-experience ang ganoon kalalang pangyayari.

“That earthquake this morning around 9:10am just sank in now. It was so strong we were being swayed side to side for about 20 seconds. There was this fear of impending doom (cry emoji),” kuwento ni Gretchen.

“I thought the ceiling of my room was going to collapse. My room had a ceiling fan and it was turned on, i thought it would detach from the ceiling and would slice me up,” ang nakababahalang dagdag pa ng showbiz reporter.

Talagang halos malaglag na nga ang puso ni Gretchen sa mga kuwento niya sa kanyang IG story. Ipinagpasalamat ni Gretchen na walang masamang nangyari sa kanya. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy