Una sa Balita

Gretchen binatikos sa pagkawanggawa

‘God bless your poor and negative heart’

By
0 7,403

Tama ang sagot ni Gretchen Barretto sa basher niya sa kanyang Instagram account na, “Damn if you do & damn if you don’t!!!”

May basher pa rin kasi ang aktres na nangahas na magkomento sa IG ni La Greta, although hindi na makita ang naturang comment at kinukuwestiyon ang ginagawa niyang pagtulong at pagpo-post daw ng mga naitulong.

Aba, e, ‘yung hindi sinasabi ni Gretchen ang mga natutulungan niya in the past, ‘yung pino-post lang niya ay ‘yung mga parties nila ng mga kaibigan niya, pagkain, gamit niya at travels, ang daming bash na natatanggap nito. Ngayong pag-grant ng mga wish simula pa noong Easter Sunday ang laman ng Instagram account niya, may mangba-bash pa rin?!

Sabi pa ni Gretchen sa IG user na si @mrs_m116, “Yes, pos­ting simply because it keeps us all aware of what the world needs now is love sweet love.

“I am doing this to let us all keep groun­ded & human!!!

“It all started on Instagram & so I’d like to be TRANSPARENT IN EVERY WAY POSSIBLE… God Bless your poor and negative heart!!!”

Dugtong pa niya, “You must be so MISE­RABLE IN LIFE THAT YOU CHOOSE TO BE NEGATIVE WHEN ALL ELSE SEEM TO BE JOYFUL.”

Bukod kay Gretchen, kasama rin niya sa pagga-grant ng wishes ang mga kaibigan at maging ang anak na si Dominic Cojuangco ay tinularan na rin ang ginagawa ng ina sa IG.

‘Travelling alone is life’ – Alden

Living his life si Alden Richards ngayon. Traveling alone ang drama niya ngayon sa New York City. Tapos na ang matagumpay na Sikat Ka Kapuso shows nila sa New Jersey at Toronto. At habang pabalik na ng bansa ang mga kasama niyang Kapuso na sina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Betong, Lovi Poe at Dingdong Dantes, si Alden naman ay nagpaiwan sa New York.

Nag-post ito ng “Traveling alone is life… next stop Las Vegas NV.”

Kung tama ang pagkakatanda namin, mukhang ngayon na lang muli nakapag-travel na mag-isa si Alden. Ang una, noong unang alis niya sa bansa at pumunta siya ng America para sa GMA Pinoy TV. After nu’ng show, nagpa-iwan din si Alden at nagbakasyon pa ng ilang araw na siya lang mag-isa.

Happy rin naman for Alden ang ibang fans niya na binibiro ito sa mga comments na, “big boy” na raw ang Pambansang Bae at kaya ng mag-isa. Pero meron din naman na umaasa na sana raw sila na lang ni Maine Mendoza para kasama nitong mag-travel ang better-half niya.

Dalawa pa ang gagawin ni Alden sa New York, ang pag-attend ng 2018 New York Festivals World’s Best TV & Films Awards at the Westgate Las Vegas Resort & Casino para sa kanyang “Alaala” docu special na isa sa mga nominated at ang one-on-one acting workshop niya kay Anthony Bova.