Una sa Balita

Gretchen, Annabelle super chika, chummy na

0 549

Alam mo, Dondon, nakaka-happy lang sina Annabelle Rama at Gretchen Barretto pagkatapos nang hindi sinasadyang pagkikita at pagbabati nila (I have to emphasized kasi may ibang pumik-up ng story na ang akala ay planado ‘yon) ay talagang ok na ok na sila.

The other day na pinost ko sa aking Instagram account (@junlalin) ang picture nila na nakayakap si Gretchen kay Tita Annabelle at nakalagay ang YouTube account ng online show ko (“Anything Goes with Jun Lalin”) kung saan mapapanood ang exclusive video ng interview ko sa kanila (with Eddie Gutierrez, Atong Ang and Mother Lily Monteverde), nag-comment ang controversial semi-retired actress/businesswoman.

“(Heart emoji) Love is peace (with prayer emoji) peace is (heart emoji),” comment ni Gretchen sa post ko na after ilang oras ay dinagdagan pa niya ng, “Look at the body language of Tita Anabel, so Full of love, so MOTHERLY (heart)IT IS HEARTWARMING (heart)(with prayer emoji).”

Nang makasama ko si Tita Annabelle sa dinner with Mother Lily and Meme Monteverde, napag-usapan namin ‘yon. Nag-dialogue pa nga si Mother Lily ng, “Gretchen’s nice. Saka Bisaya, nice ka rin naman. At ‘yung pagbabati ninyo, totoo talaga!”
Si Bisaya, naman, sinagot ang comment ni Gretchen sa post ko, “Nakaka-touch naman ang message mo @gretchenbarretto lahat ng mga sinabi ko sa ‘yo nang magkita tayo, galing sa puso ko, walang plastikan!”

Nice! Ganoon naman ang dapat. Kapag naging maayos na ang lahat, dapat ok na talaga. Walang pagkukunwari! Walang plastikan!

Saka so nice na sinabi ni Gretchen na so MOTHERLY!

Yes, noon talaga, parang anak din ang turing ni Tita Annabelle kay Gretchen.

Ruffa, Greta kaabang-abang ang pagbabati

Naku, sana nga magkita na rin sina Gretchen at Ruffa Gutierrez para bumalik din ‘yung dating closeness nila.

Mamaya, tiyak na matatanong si Ruffa ng entertainment press tungkol sa reaksyon niya sa pagkaayos ng kanyang nanay at ni Gretchen.

Mamaya na kasi haharap si Ruffa sa entertainment press for a very important announcement.

Naku, endorsement announcement ‘yon at hindi katulad ng iniisip ng iba na baka wedding plans ang ia-announce ni Ruffa, ‘noh?!

Hahaha!

Nadine lalayas na sa Viva

May mga nagdududa na wala na sa Viva Artists Agency si Nadine Lustre. May isang handler doon na tsinika ko at wala naman daw siyang ganoong naririnig.

“Alam ko may contract pa si Nadine at imposible namang basta siya pakawalan ng Viva,” sey ng kausap ko.

So, mali ang tsikang like her boyfriend (and ka-live in) na si James Reid ay wala na rin sa pangangalaga ng kompanya ni Boss Vic del Rosario ang aktres?

Well, abangan ang mga susunod na tsika dahil noong bago naman umalis sa Viva si James ay nagkaroon muna ng mga ganoong tsika, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy