Una sa Balita

Gretchen, Ai-Ai sanib-puwersa vs Kris?

Digital ang karma

0 1,008

Papansin nga bang muli si Gretchen Barretto o naghahanap ng kakampi laban kay Kris makaraang mag-comment ito sa post ni Ai-Ai delas Alas tungkol sa karma.

Kahapon, Sabado, nang mag-post sa Instagram ang Kapuso comedienne ng “Keep calm and let karma finish it.” Katabi ang isang pang quote na “Remember, what you do now will come back to you in the future. Life has a funny way of making you deal with what you make others go through.”

Nilagyan ni Ai-Ai ng caption na “Masid masid nalang ako sayo .. heaven na ang bahala sayo .. #silentmode #iknowwhoyouare #noonkopaalamdeadmalang #digitalangkarma.”

Sa naturang post ay nag-comment ni Gretchen ng “Am I thinking what you’re thinking”.

Nagkataon nga lang ba na kahapon ay nag-post si Kris Aquino ng picture niya na may pasa sa balikat dahil umano sa pagkakahulog niya. “i took a bad fall early Monday morning, this picture is already from Wednesday… but i had a webisode shoot for a company that stayed with me through it all.”

Ayon pa sa Queen of All Media na pagbabahagi ng kaniyang pasa ay hindi para magpaawa kundi para mag-update lamang sa mga kaibigan at bashers.
Dahil dito kino-connect ng mga malisyoso na ang post ni Ai-Ai ay ang pinatatamaan si Kris.

Matatandaan na may matagal nang away o tampuhan ang dating magkaibigan na sina Kris at Ai-Ai na hanggang ngayon ay hindi pa sila in good terms.

Sa ginawang comment ni La Greta sa post ni Ai ay may hinala ang netizen na pinagkakaisahan nila si Kris.

Iba-iba ang reaksyon ng netizen sa naturang post, meron hindi pabor sa gina­wa ni Ai-Ai at kinuwestiyon pa ang pagiging relihiyoso nito.
Sawsawera, low class mistress naghahanap ng isyu para pag-usapan, ang ilan lamang sa paratang kay Gretchen.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy