Una sa Balita

Greg Slaughter sabik na sabik na

By
0 7

Sa September pa makakabalik sa pagla­laro si Greg Slaughter.

Inaamin niyang sabik na sabik na siyang maglaro at gustong gusto na niyang makatulong sa kampanya ng Ginebra.

Pero wala naman siyang magagawa at hindi naman niya puwede i-defy ang utos ng doktor.

Mag-e-expire na ang kontrata niya sa Ginebra at sure kami na may nangyayari nang negosasyon.

Sana naman, wish ng mga fans, ay mag-stay siya sa Ginebra.

Depende ‘yan si­yempre kung magkakasundo sila sa bagong kontrata ni Greg.

Pero knowing Ginebra, palagay ko ay hindi naman siya pakakawalan ng SMC group.

Kung sakali man na hindi, sigurado rin akong naghihintay lang ang MVP group sa isang player na nasa kalibre ni Greg.

***

Isang team ang magbabalik sa dati nilang pangalan sa susunod na conference ng PBA.

Sure na raw yan?

***

Congratulations sa Tanduay Rhum na nakapasok na for the first time sa Finals ng D-League.

Biruin mong matapos ang ilang taon na kasali sila sa ligang ito ay hindi naman nagawa ng Tanduay na makatuntong sa championship.

Ngayon, nakapasok na sila kahit na dala­wang beses pa nilang dapat talunin ang kalaban nila sa semis.

Na-shock ang mga followers ng D-League dahil nga sa lakas ng lineup ng kalaban nila at twice-to-beat pa ito.

Kaya naman ang saya-saya ni coach Lawrence Chongson sa nagawang ito ng Tanduay Rhummasters