Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Greg inisnab Gilas Pilipinas

0 115

TUMANGGING maglaro si NorthPort Batang Pier big man Greg Slaughter para sa Gilas Pilipinas habang inaasahang sasabak muli si Bobby Ray Parks Jr  sa pambansang koponan sa FIBA Asia Cup sa Jakarta, Indonesia sa Hulyo 12 hanggang 24.

Inimbitahan mismo ni national head coach Chot Reyes ang 7-footer na si Slaughter para maglaro sa Gilas subalit agad na tumanggi ang Filipino-American dahil mayroon na umano ito nakasundo at napangakuan na paglalaruang koponan na hindi nito ibinunyag.

Nanatiling pahinga si Slaughter dahil ang karapatan nito para makapaglaro sa propesyonal na liga ay hawak pa rin ng NorthPort kahit na kinukunsidera itong restricted free agent bunga ng nagaganap na hindi pagkakasundo nito sa negosasyon para sa contract renewal.

Kinakailangan ng Gilas ang tulad ni Slaughter upang punuan ang malaking pangangailangan ng koponan matapos na magtamo ng ACL injury ang naturalized player na si Ange Kouame habang abala ang iba pang mga manlalaro sa ginaganap na All-Filipino Cup ng PBA.

Samantala’y sumang-ayon si Parks maglaro para kay Reyes sa tulong ni Barangay Ginebra PBA Governor Alfrancis Chua na inimbitahan ang Asian import sa Japanese B.League para maglaro muli sa national team.

Matatandaan na naglaro si Parks para sa Alab Pilipinas na unang pinamahalaan ni Chua bilang San Miguel Corportion sports director sa tatlong ABL seasons hanggang 2019. (Lito Oredo) 

Leave A Reply

Your email address will not be published.