Una sa Balita

Greenpeace naalarma sa katakawan ng mga Pinoy sa karne

0 308

Ikinaalarma ng environment group na Greenpeace Philippines ang pagi­ging matakaw ng mga Filipino sa pagkain ng karne ng baboy, manok at baka o tinatawag na industrial meat at processed canned goods bunsod ng masamang epekto nito sa kalusugan ng tao at kalikasan.

Sinabi ni Virginia Benosa, food and ecological agrriculture campaigner ng Greenpeace, panahon na para bawasan ng mga Pinoy ang pagkain ng karne o red meat dahilan sa karamihan sa mga ito ay ginagamitan ng kemikal na may masamang epekto sa kalusugan ng tao na maaaring magresulta ng obesity, cancer, heart disease at diabetes.

Aniya, karamihan sa mga Pinoy ay tumitigil lamang sa pagkain ng mga industrial meat kung ito ay ipinagbawal na ng doktor bunsod ng pagkakaroon ng malubhang sakit.

Magugunitang sa ipinalabas na 2017 Social Weather Station Survey, ibinunyag ng SWS na nasa 46 porsiyentong mga Pinoy mula sa urban areas ay mas tinatangkilik ang pagkain ng karne kumpara sa masustansiyang prutas at gulay.

Inirekomenda naman ni Benosa na makabubuting tangkilikin ng mga Pinoy ang pagkain ng ecological plant gaya ng prutas at gulay, lugumes o mga organic urban gardening o galing sa backyard na pagkain. (Dolly Cabreza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy