Una sa Balita

Greenland ‘di ibebenta sa US

0 333

TINABLA ng Greenland ang plano ni US President Donald Trump na bilhin ang pinakamalaking isla sa mundo.

Nanindigan ang mga opisyal ng Greenland na bagama’t tinatanggap nila ang anumang negosyong iaalok ng Amerika, hindi naman sila papayag na ibenta ang kanilang isla.

Nakatakdang bumisita si Trump sa Copenhagen sa Setyembre at ang nasabing isla ang isa sa magiging agenda ng miting nito sa prime minister ng Denmark at Greenland.

Ang planong pagbili sa Greenland ay unang binalita ng Wall Street Journal kung saan natawa pa umano ang ilang adviser ni Trump sa ideya pero sineryoso naman ng iba.

Ang Greenland ay matatagpuan sa pagitan ng North Atlantic at Arctic Ocean at umaasa lamang sa suporta ng Denmark.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy