Una sa Balita

Green tinawag na ‘bitch’ si Durant

By
0 1,207

SINUSPINDE ng Gol­den State Warriors si Draymond Green sa home game kontra Atlanta Hawks Martes ng gabi.

“Conduct detrimental to the team” ang binigay na dahilan ng Warriors sa pagsuspinde sa forward na kilala sa pang-aalaska sa mga kalaban.

Resulta ito ng eksena bago natapos ang regulation ng 121-116 loss ng Golden State sa Los Angeles Clippers Martes ng gabi.

Pagkatapos ng sab­lay ni Lou Williams 6 seconds na lang, hi­nablot ni Green ang bola at ibinaba. Dinedma lang niya ang wide-open na si Kevin Durant, nawala pa kay Green ang bola at napuwersa ang overtime.

Pagkatapos ng play, pinalakpakan ng halatang dismayadong si Durant ang direksiyon ni Green habang nasa bench na sila.

“Pass the damn ball,” sigaw ni Durant.

Nagkasagutan ang dalawa bago tumayo si Green at lumayo sa huddle. Sinundan siya ni DeMarcus Cousins.

Pagkatapos ng talo, hindi humarap sa reporters sina Durant at Green. Lumabas si Durant pagpasok ng media sa locker room.

Sa locker room, tuloy raw ang sagutan ng dalawa at ipinagdiinan pa ni Green ang pagi­ging free agent na ni Durant pagkatapos ng season na puwedeng dahilan ng paglayas nito sa team. Paulit-ulit raw tinawag ni Green ng ‘bitch’ ang kakampi.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More