Una sa Balita

Green, Iguodala dapat kumayod

0 237

MAYAYANIG ang O­racle Arena mamaya sa Game 6 ng NBA Finals.

Iho-host ng defending two-time champion Golden State ang naghahabol ng unang titulong Toronto.

Naiiwan sa series ang Warriors 3-2, a-ambush ng panalo para pahabain pa ang season at paypayan ang paghahabol sa three-peat.

Huling NBA game na ang iho-host ng arena. Sa susunod na season, tatawid ng The Bay ang Warriors at magiging tahanan na ang bagong Chase Center sa San Francisco.

Sugatan ang Warriors, wala nang Kevin Durant sa kabuuan ng season.

Sumailalim sa operasyon ang reigning two-time Finals MVP noong M­iyerkoles para ayu-sin ang ruptured right Achilles.

Nagka-injury si Durant sa second quarter ng Game 5 noong Lunes, nagtuloy ang Golden State para itakas ang ga-buhok na 106-105 win.

Malamang na hindi na rin maglaro si back up big man Kevon Looney, lumala ang collarbone injury noong huling laro.

Tulad noong nakaraan, sina Splash Brothers Stephen Curry at Klay Thompson ang mangunguna sa atake ng Warriors. Sa tulong nina Draymond Green, Andre Iguodala at kahit sinong hugutin ni coach Steve Kerr.

“We’re going to give everything we got,” giit ni Curry. “I would like to say I would guarantee a win – who knows how it’s going to end up – but we’re going to give everything we got. We’re going to fight, we’re going to compete, and I know if we get a chance to talk to him (Durant) the next two days, that’s what he would expect.” (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy