Una sa Balita

Green alaskado na naman kay Barkley

0 420

AYAW tantanan ng pang-aasar ni Charles Barkley si Draymond Green.

Sa halftime report ng ‘NBA on TNT’ kung saan ay game analyst ang legend na si Barkley, kinakantiyawan na naman nito si Green at inaasar sa average nito ngayong season na ‘triple single’.

“Draymond don’t talk as much since he averaging that triple-single,” sabi ni Barkley.

Kasalukuyang nag-a-average si Green ng 8 points, 6 rebounds at 5.6 assists para sa league-worst Golden State Warriors.

Dati nang nagkaroon ng ‘away’ sina Green at Barkley kung saan sinabi ng huli na gusto niya itong “punch him in the face so bad.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More