Una sa Balita

Grasya panay ang agos kay Yulo

0 330

UMAAPAW ang insentibong nakakamit ni national artistic gymnast Carlos Edriel Yulo matapos dagdagan ng Manila City government nitong Huwebes ng P500,000 bilang suporta at tulong sa pagtatala nito ng kasaysayan para sa bana sa katatapos lamang na 49th FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Stuttgart, Germany.

Si Yulo, na isang lehiitmong Manileño mula sa looban ng Leveriza, ay nagbigay pugay kay Mayor Isko Moreno sa Manila City Hall kung saan iginawad naman ng butihing punong lungsod ang cash award kay Yulo.

Inaprubahan din ng Manila City Council ang isang resolusyon na naggagawad kay Yulo ng pinakamataas na karangalan sa pagiging unang Filipino na naging world champion sa gymnastics.

Ang 19-anyos na si Yulo, ay agad na nagbalik sa Pilipinas noong Martes, matapos magwagi ng pinakaunang gintong medalya ng Pilipinas sa internasyonal na torneo sa gymnastics at matapos na makapagkuwalipika bilang ikalawang Pilipino sa makakasabak sa 2020 Tokyo Olympics.

Una nang sinabi ni PSC Chairman William Ramirez na nangako si Presidential Adviser on Sports Dennis Uy para bigyan ng P500,000 si Yulo kasama sina pole vaulter Ernest John Obiena at boxer Nesthy Petecio mula sa Siklab Foundation sa isinagawa na courtesy call sa Malacanang.

Binigyan na din ng PSC base sa Republic Act 10699 ng P500,000 insentibo si Yulo at dagdag pa na P500,000 dahil sa kanyang pagtatala ng kasaysayan para sa Pilipinas at pagkuwalipika sa kada apat na taong Olympics. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy