Una sa Balita

Grass fire sa Cauayan dahil sa yosi

By
0 1,783

NAGPAALALA ang Bureau of Fire Protection (BFP) na iwasan ang pagtatapon ng mga upos ng sigarilyo sa pampublikong lugar, partikular na sa mga madamong bahagi makaraang pagmulan ito ng malaking grass fire kamakalawa sa Cauayan City.

Ayon kay FO3 Reagan Bernardo, nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang grass fire na naganap sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City na tinatayang nasa 4,000 square meters ang nasi­rang mga damuhan.
Batay sa pagsisiyasat, posibleng sa isang itinapong sigarilyo ang nakikitang pinagmulan ng apoy maliban pa sa matinding init na panahon.

Tumagal ng 30 minuto bago tuluyang naapula ang grass fire nang nagrespondeng dalawang fire truck ng BFP at isang fire truck ng rescue 922.

Batay sa talaan ng BFP Cauayan City, nasa anim na ang naitalang grass fire incident sa kanilang lugar.