Una sa Balita

Grand Zumba vs drug pasok sa Guinness World Records

By
0 908

KASABAY nang pagbubukas ng Kaogma Festival 2018 sa Camsur, mahigit 20,000 kalahok mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, private sectors at mga grupo ang nakiisa sa Grand Zumba Kontra Droga

Ayon kay CamSur Governor Migz Villafuerte, naging matagumpay ang Grand Zumba dahil na-target na makapasok sa Guinness World Records para sa walang tigil na zumba exercise sa loob ng 30 minuto.

Nabatid na nadaig ng CamSur ang Mandaluyong City na una nang nakapagtala ng world record sa Guinness ng mahigit sa 12,000 mga kalahok para sa Largest Zumba Class noong 2015.

Samantala, matagumpay na nasimulan ang pagbubukas ng Kaogma Festival para sa isang linggong selebrasyon na puno na saya at bonggang programa na inihanda ng pamahalaan ng Camarines Sur na may temang #Unligaya.

Sinimulan ito ng Grand Zumba Kontra Droga at ang pagbisita ng Ang Probinsyano cast, Cultural Street Dance competition, Boy Kayod, Senior Citizens Talent Show, All Breed Championship Dog Show, Annual Dance Revolution finals competition, Farmers Day, The Big V, Tri-Factor Asian Championship Series at Miss Kaogma 2018.