Una sa Balita

Grand slam isusunod ni Austria, San Miguel

0 276

HINDI maiwasang pag-usapan ang grand slam na abot-kamay na ng San Miguel Beermen ngayong 2019 season.

Nasa bulsa na ng Beermen ang Philippine Cup crown, Biyernes ay idinagdag sa koleksiyon ang korona ng Commissioner’s Cup.

May dalawa na, kulang pa ng isa – Governors Cup.

“Two-thirds of the job had been done,” pahayag pa ni team gover­nor Robert Non nang tanggapin ang championship trophy matapos kalusin ang TNT KaTropa sa anim na laro sa Smart Araneta Coliseum.

Marami ring nag-aabang, kaya wala na raw ibang pupuntahan ang San Miguel kundi doon sa slam.

“We’re targeting another champion­ship,” ani coach Leo Austria pagkatapos ng 102-90 title-clinching win. “Double purpose pa ito dahil once makuha namin ‘yung championship sa third conference, siguro ibabalato na sa amin ‘yung grand slam.”

Noong 2017, nasa bulsa na rin ng Beermen ang Philippine at Commissioner’s Cup crowns pero diniskaril ni Justin Brownlee at ng Ginebra sa Governors.

Nanamnamin muna ng SMB ang kampeonato, ipapahinga ang mga tuhod bago umpisahan ang ensayo para sa season-ending tournament na sisiklab sa Sept. 20. (Vladi ­Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy