Una sa Balita

Grand parade: Miss Universe Pia Wurtzbach stunning photos

0 9

Beauty queen na beauty queen ang peg ng newly crowned na si Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach para sa kanyang grand homecoming parade nitong Martes.

Ang Philippine pride na 26 anyos at laking Cagayan de Oro ay ipinanganak noong September 24, 1989 sa Stuttgart, Baden-Württemberg sa Germany; German ang kanyang ama habang Pinay ang kanyang ina.

Tatlong beses na sumabak si Pia sa Binibining Pilipinas for three consecutive years (2013-2015). Naging first runner-up siya sa kanyang first attempt. Pumasok lamang siya sa Top 15 noong 2014.

Nagwagi si Pia noong December 20, 2015 bilang Miss Universe sa Las Vegas matapos na manalo sa 2015 Binibining Pilipinas.

Naging historical ang panalo ng Fil-German na si Pia dahil nagkamali si Miss U host Steve Harvey sa pag-anunsyong si Miss Colombia ang wagi sa naturang biggest beauty pageant.

Mula sa Las Vegas, dumating sa bansa si Pia noong January 23 at nagkaroon ng courtesy call sa iba’t ibang lugar maging sa Palasyo at sinundan ito ng enggrandeng parada mula Sofitel Philippine Plaza Hotel sa Pasay hanggang sa Makati at Manila.

Libong mga tagahanga ng magandang dalaga ang nag-abang sa kanya kasabay ang pag-antabay sa mga kasuotan nito na kanyang inirampa.

Silipin ang victory moments ni Pia mula nang dumating ito sa bansa noong umaga ng January 23.

Ang pagdating ni Miss Universe Pia Wurtzbach sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City nitong January 23. Kasama niyang dumating sa bansa ang matriarch ng Binibining Pilipinas na si Stella Marquez Zawadski-Araneta.  (Jonas Sulit)

Si Miss Universe Pia Wurtzbach habang inaala ang kanyang winning moment sa prestihiyosong beauty pageant sa ginanap na press briefing sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City nitong January 23. (Jonas Sulit)

Si Miss Universe Pia Wurtzbach sa kanyang pagharap sa mediamen noong January 24 sa Novotel Manila Araneta Center sa Quezon City. (AP)

Si Miss Universe Pia Wurtzbach nang mag-courtesy call kay Pangulong Benigno Aquino III sa Malacañang umaga ng January 26. (Jonas Sulit)

Kabilang ang pagbisita ni Miss Universe Pia Wurtzbach sa Senado noong January 25 para sa kanyang courtesy call. Nasa kaliwa ng beauty queen si Senate President Franklin Drilon at Senator Sonny Angara. (AP)

Si Miss Universe Pia Wurtzbach habang kumakaway sa crowd sa isinagawang courtesy call kay Manila Mayor Joseph Estrada sa Manila City Hall. (Jonas Sulit)

Masayang kumakaway si Miss Universe Pia Wurtzbach sa kanyang mga tagahanga sakay sa isang float habang binabaybay ang kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila patungo ng Makati. (Jonas Sulit)

Ang salubong ng fans habang nasa victory parade si Miss Universe Pia Wurtzbach sa Makati. (Jhay Jalbuna)

Ang walang pagod pa ring pagkaway sa crowd ni Miss Universe Pia Wurtzbach mula sa kanyang mahabang victory parade na umabot sa Araneta Center sa Quezon City.  (Peter Lacang)

Suot ni Miss Universe Pia Wurtzbach ang kanyang crown habang nasa huling bahagi ng kanyang victory parade sa Araneta Center sa Quezon City nitong January 25. (Peter Lacang)

Si Miss Universe Pia Wurtzbach nang mag-courtesy call sa Quezon City hall kay QC Mayor Herbert Bautista (kaliwa)  nitong January 26. (Art Son)