Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Grand Lotto 6/55 jackpot lagpas P300M na

0 118

Dagsa ang mga mananaya sa iba’t ibang lotto outlet dahil sa nakalululang jackpot price ng Grand Lotto 6/55 na mahigit P300 milyon na ang halaga.

Ira-raffle ngayong Sabado ng gabi, Hulyo 3, ang Grand Lotto 6/55.

Ayon sa Gaming, Product Development and Marketing Sector ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), wala pa ring nakakadale ng jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na umabot na sa P318 milyon.

Samantala, nasa P15.8 milyon naman ang tinatayang jackpot ng Super Lotto 6/49 na bobolahin sa Linggo ng gabi dahil walang nanalo sa naganap na draw noong Huwebes ng gabi at walang nakadagit ng winning combination number na 15-46-25-39-12- 45.

Wala ring nanalo ng Lotto 6/42 na may winning combination 31-38-13-20-14- 18 at jackpot prize na P18,353,331.00. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.