Una sa Balita

Grand finals ng World Slasher Cup 2 ngayon

0 569

MATINDING bakbakan at digmaan ng mga sa­bong celebrities, baguhan at dayong sultador ang papagitna sa makasaysayang  Smart Araneta Coliseum sa grand finals ng 2019 World Slasher Cup 2 Invitational 9-Cock Derby ngayon, Linggo, June 2.

Inaabangan ng libu-libong sabungero ang rematch nina seven-time WSC champion Patrick Antonio at three-time WSC king Frank Berin, na nagtabla sa sultadang may pinakamalaking parada noong Martes.

Tatlong entry ang hawak ng mag-amang sa­bong idol Patrick at Tony Antonio sa 4-cock grand finals ngayon (Sagupaan Winning Line, 4.5 points at dalawang 4 points).

Liyamado rin ang Team Excellence nina 2019 Pitmasters 220 K Big Event champion Rey Canedo, Cris Sioson, Doc Ayong Lorenzo at Pitgames Media Inc. CEO Manny Berbano (RC Warrior JD, 5 points at EDL Agiar Excellence, 4 points).

Dehado ang bagong saling sina Henry Tubban ng Ilocos (Tabuk Legal Eagles Anonas) at Reynaldo Villanueva ng Laguna (RNK), parehong may 5 -0 (panalo-talo) kartada habang 4 puntos sina  Dr. Bel Almojera ng Florida, USA at Soan Sogianto/HJ Sabri ng Indonesia na suportado ni  Niño Yee ng Marikina.

Ang ibang four poin­ters: Caloy Datu/Lawrence Villanueva, Nerio Frani, Ricky Magtuto/JMW group, Antonio Aleria/Boy de Roca, Nene Araneta, Felix at RC Gatchalian, Jervy Maglunob at Noel Cosico, Mauro Prieto/Rey Briones, Emil Tiu, Anthony Lim, Frank Berin, Louie Tulang, Randy Rabadon, Eslabon and Escolin Brothers at Honey Yu. 

Mga sponsors ang Thunderbird at Emperador habang media partners ang PitGames Media Inc., TV5’s “All New Tukaan”, ABS-CBN Action + Sports, “Sagupaan,” “Sabong Nation”, “Sabong Pilipinas”, “Bakbakan Na TV”, The Sabong Chronicles, .Journal Group, Pilipino Mirror, Saksi Ngayon at Diaryo Bomba. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy