Granada, sumambulat sa Pagadian City

By

ZAMBOANGA CITY — Isang granada ang sumabog sa harapan ng isang gusali sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur, ngunit wala naman inulat na sugatan o nasawi maliban sa pagkasira ng nakaparadang sasakyan doon.

Sinabi ng pulisya na dakong alas-5:30 kamakalawa ng hapon naganap ang pagsabog sa harapan ng Southern Phi­lippines Agri-Machinery Center Building na pag-aari ni Jesse John Mediodia Derayunan.

Hindi pa mabatid ang motibo ng pagpapasabog sa Granada at kung sino ang nasa likod nito.
Nabawi rin ng Explosive Ordnance Disposal team ng pulisya ang fuse ng granada at patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa naganap.

Wala pa ring umako sa pagsabog at hindi rin umano alam ni Derayunan ang motibo nito. 

SHARE