Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Granada sumambulat sa Maguindanao, 9 bulagta

0 128

Siyam ang sugatan, kabilang ang apat na menor de edad, matapos ang limang magkakasunod na pagsabog ilang metro malapit sa municipal hall ng Datu Unsay sa Maguindanao noong Linggo ng gabi.

Base sa ulat na ipinadala ng Maguindanao Police Provincial Office (PPO) sa Camp Crame kahapon, naganap ang pagpapasabog sa Barangay Meta ng nasabing bayan ganap na alas-7:30 ng gabi noong Linggo.

Limang bala mula sa M203 grenade launcher umano ang pinasabog sa lugar na naging dahilan ng pagkakasugat ng mga biktimang sina Mokom Dimatingkal, 16-anyos; Jomar Kinson, 30; Brahim Guiamalon, 47; Dhags M. Payag, 46; Amil Midzik, 17; Pahad Bandao, 16; Knotan Adam, 26; Karoten Longkatay, 30 at Asrap Abdul, 17-anyos.

Kasalukuyang nagpapagaling ang mga biktima sa Maguindanao Provincial Hospital dahil sa tinamong mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nabatid na malayo ang tirahan ng mga biktima at nakapila na sila sa lugar para sana maagang ma­kaboto sa idinaos na national at local elections kahapon.

Ilang sandali ay dumating umano ang isang grupo ng mga kalalakihan at nagpakawala ng limang bala mula sa M203 grenade launcher at saka mabilis na nagsitakas.

Samantala, dalawang granada rin ang pinasabog sa public terminal sa Sariff Aguak ilang oras matapos ang insidente sa Datu Unsay pero wala namang nasugatan sa insidente.

Dahil sa nangyaring karahasan, sinabi ng PNP na pinalitan ng 47 pulis ang mga guro bilang Board of Election Inspectors (BEI’s) sa lalawigan para sa kanilang kaligtasan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.