Una sa Balita

GRAFT VS SSS PREXY

By
0 128

Dahil sa kawalang aksyon sa inihaing P1.6B insurance claims, kinasuhan sa Office of the Ombudsman ng kasong graft at administratibo si dating Insurance Commissioner at ngayon ay Social Security System President Emmanuel Dooc.

Sa 16 pahinang rekla­mong inihain ni Steel Corporation of the Philippines President Abeto Uy at ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), iginiit nitong nilabag ni Dooc ang Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa hindi nito pag-aksyon sa kanilang insurance claim na malinaw umanong pagpapabaya sa kanyang tungkulin bilang pinakamataas na opisyal ng Insurance Commission.

Ayon kay Uy, ang kanilang insurance case ay nag-ugat matapos masunog ang kanilang planta sa Batangas noong 2008, Oktubre 2009 umano nang una nilang ihain ang insurance claims laban sa kanilang insurers at 2015 nang mag-isyu ang komisyon na ang kanilang kaso ay submitted for resolution na ngunit hindi ito inaksyunan ng tanggapan ni Dooc hanggang sa lumagpas na ito sa itinatakdang panahon sa ilalim ng Rules of Procedure.

“It is now doubtful if the Commission indeed is there to protect the insuring public, or in actuality protects the interests of the insurance companies,” nakasaad sa reklamo.

Dala ng kawalang aksyon ng IC ay iniak­yat na umano ang kaso sa Court of Appeals (CA) para atasan ang IC na aksyunan ang insurance claims ng Steel Corp, ang nasabing petisyon ay nakabinbin pa sa appellate court.

Sinabi naman ni Atty. Ferdinand Topacio, l­egal counsel ng VACC na umaasa silang hindi batayan ni Pangulong R­odrigo Duterte ang pagiging graduate ng San Beda para italaga sa posisyon gaya ng kay Dooc. Aniya, malinaw sa kanilang ini­haing kaso sa Ombudsman na pinoprotektahan ni Dooc ang mga insurance companies sa halip na ang interes ng mga kumpanya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy