Graft sa 13 DAR-Davao off’ls

By ,

Labing tatlong local officials ng Department of Agriculture-Davao City ang kinasuhan ng graft ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan dahil sa maanomalyang pagbili ng disinfectant noong 2012.

Kabilang sa kinasuhan sina Constancio Maghanoy Jr., officer-in-charge Regional Executive Director III; Isagani Basco, hepe ng Administrative Division at chair ng Bids and Awards Committee; Alma Mahinay, chief ng Finance Division at vice chair ng BAC; mga miyembro ng BAC na sina Alfredo Cayabyab, Rafael Mercado, Larry Pineda; Technical Working Group chair Herna Palma, TWG vice chair Rosalinda Mediano at mga miyembro ng TWG na sina Melani Provido; Isabelita Buduan; Lelisa Lascuna, at Marie Ann Constantino.

Sa imbestigasyon ng Ombudsman, naestablisa umano na nagsabwatan ang mga akusado para ibigay ang kontrata sa pagbili ng P3.40M disinfectant sa FKA Agri-Chemical.

SHARE