Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Grae nanganganib: Jodi, Iza, Maricel serye tatapusin na

0 130

Makapigil-hiningang tagpo ang sasalubong sa mga manonood ngayong Lunes dahil malalagay sa bingit ng kamatayan si Jake (Grae Fernandez) sa tangka nitong muling takasan sina Caesar (Simon Ibarra) sa “Ang Sa Iyo Ay Akin.”

Nagpasiya si Caesar na sumama kay Red (Manuel Chua) matapos matunton ng huli ang lokasyon nina Jake at Hope (Kira Balinger) para siguraduhing mapatay ang dalawa.

Nalaman na rin ni Gabriel (Sam Milby) ang kinaroroonan ng mga anak kung kaya’t magmamadali itong puntahan sila.

Sa paglapit niya sa kinaroroonan nina Jake at Hope, makakasalubong niya si Avel (Joseph Marco). Sa pag-uunahan nina Gabriel, Avel, at Caesar na maabutan ang dalawa, isang kapahamakan ang sasalubong kay Jake.

SM food to go Banner Ad

Samantala, tuluyan nang napaikot ni Marissa (Jodi Sta. Maria) si Caesar dahil nakumbinsi itong ilaglag si Ellice (Iza Calzado) kapalit ang mga dokumentong naglalaman ng mga anomalyang kasangkot siya.

Tuluyan kayang mawalan muli ng anak si Marissa? Ano kaya ang mangyayari kay Ellice sa ginawang pagsisiwalat ni Caesar?

Ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” ay likha nina Julie Anne Benitez at Dindo C. Perez. Tutok na sa A2Z channel at TV5. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.