Una sa Balita

‘Graduating’ na mga Iloilo councilor nagpaalam pa

0 233

Personal nang namaalam sa publiko gayundin sa kanilang mga colleague ang ilan sa mga Iloilo councilor na magtatapos na sa kanilang termino ngayong katapusan ng buwan.

Kasabay nito ay malugod na pinasalamatan nina Councilor Plaridel Nava, Joshua Alim, at Leizl Zulueta-Salazar ang kanilang mga tagasuporta.

“For sure, the fight continues for Iloilo city. The advocacies that we have such as against Panay Electric Co. and illegal drugs will continue. We will not yield,” sambit ni Nava matapos itong talunin sa vice mayoral­ty race ni reelectionist Vice Mayor Jeffrey Ganzon sa nakaraang eleksyon.

Pinasalamatan din ni Alim, na natalo din sa pagkakongresita, ang Sangguniang Panlungsod secretariat,­ ang media, colleague at ang 74,000 pang residente bumoto sa kanya.

“I appreciate the Ilonggos who believe in me. I can still help in my private capacity. This is not the end. I will return,” pahayag ng nasabing abogado at licensed realtor. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy