Una sa Balita

Graduating electrical engineering student nakuryente sa OJT

0 284

By Allan Bergonia

SA isang iglap, naglaho ang pangarap ng isang graduating electrical engineering student ng isang unibersidad matapos makuryente sa poste ng kuryente habang nasa on-the-job training (OJT) sa Solsona, Cagayan noong Biyernes.

Kinilala ni Solsona Police Station (SPS) P/Capt. Junjun Balisi ang biktima na si Giovanni Dayag, 20, isang electrical engineering student ng Tuguegarao, at residente ng Gen. Balao, Solsona.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Balisi, sumama umano ang biktima sa mga lineman at area engineer ng Cagayan 1 Electric Cooperative (C1ELCO) sa may Centro West para mag-obserba sa paglalagay ng poste ng kuryente dahil siya ay nasa OJT.

Ayon sa SPS, habang inilalagay ang poste, nasagi ng gamit na boom truck si Dayag kung saan napahawak ang biktima sa isang live wire na dahilan ng kanyang pagkakakur­yente at pagkamatay.

Samantala, ayon sa mga magulang ng biktima, pinag-aaralan nila sa ngayon kung may pananagutan ang C1ELCO dahil sa pagkamatay ng kanilang anak.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy