Una sa Balita

GRADE 8 PUPIL NG LA SALLE TUMALON MULA 3RD FLOOR

By
0 9

Depression ang posibleng dahilan nang tangkang pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagtalon­ mula sa kanyang paaralan ng isang grade 8 pupil sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City kamakalawa.

Patuloy pa ring ginagamot sa Asian Hospital ang biktimang si Luis Gomez, 14, grade 8 pupil sa De La Salle Zobel at nakatira sa no. 68 Jose Yulo St., BF Homes, Parañaque City, matapos na ma-fracture ang buto nito sa kaliwang paa.

Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente alas-12:55 ng tanghali sa naturang paaralan sa Ayala Alabang­ Village.

Nabatid na umakyat­ ang biktima sa railing ng ikatlong palapag ng kanilang paaralan at dito­ na isinagawa ang tangka umanong pagpapa­kamatay sa pamamagitan ng pagtalon hanggang sa bumagsak ito sa lobby ng Science and Technology Department.

Ayon kay Sr. Supt. Dante Novicio, hepe ng Muntinlupa City Police, base sa pahayag ng ama ng biktima na si Raymond Gomez, depression o may problema ang biktima sa kanyang pamilya.

“Nakausap ko yung mga magulang niya na sinasabi na may problema sa pamilya at sa bahay pero ayaw naman sabihin ng kanyang tatay at mukhang may problema din ito sa pag-iisip o psychological­ kasi sa edad niya, wala naman dapat problemahin ang bata,” ani Supt. Novicio.

Tumanggi naman magbigay ng pahayag ang mga guro at management ng paaralan hinggil sa naganap na insidente. Ma­ging ang mga magulang ng biktima ay hindi rin nagbigay ng pahayag sa naganap na insidente.