Una sa Balita

Grade 8 pupil na naglalako ng shabu para kumita

By
0 205

TILA yosi na inilalako ng isang 15-anyos na binatilyo ang kanyang panindang shabu para umano kumita ngunit nabuking ng mga tanod ang kanyang iligal na trabaho kamakalawa nang hapon sa Brgy. Malanday, Marikina City.

Limang plastic sachet na naglalaman ng shabu ang nakumpiska mula sa binatilyo na itinago sa pangalang Flores, Grade 8 student matapos mabuking ang pagbebenta ng iligal na droga ng isang bantay-bayan.

Agad na dinala sa Marikina PCP-4 ang suspek matapos mahuli bandang alas-5:30 kamakalawa nang hapon sa loob ng Salvador compound, Libis Malaya, Brgy. Malanday, Marikina City

Nabatid na matagal na umanong binabantayan ng mga bantay-bayan ang ikinikilos ng suspek dahil kilala na itong nagtutulak ng droga sa kanilang barangay hanggang sa maaktuhan at doon na hinuli.

Dinala sa Marikina police station ang suspek habang inaayos ang kasong paglabag sa RA 9165 o illegal drugs act saka dadalhin sa boys town ang binatilyong tulak.