Una sa Balita

GRADE 10, NI-RAPE NG BAGONG KAKILALA

By
0 140

Isang 16-anyos na dalagita ang ginahasa umano ng isang lalaki sa motel sa Mandaluyong City na kanilang nakilala ng kanyang kaklase habang namamasyal sa isang parke.

Kahapon ay humingi ng tulong sa Mandalu­yong police ang magulang kasama ng biktimang itinago sa pangalang ‘Lizel’, grade 10 student, upang mabigyan ng katarungan ang sinapit ng dalagita sa hindi pa nakilalang suspek.

Sa salaysay ng ina ng biktima, Agosto 14 ng umaga nang maisipang mamasyal ng biktima kasama ang isa niyang babaeng kaklase na pareho pang nakauniporme sa Luneta park at doon nakilala ng mga ito ang suspek.

Makalipas ang ilang minutong pag-uusap ay niyaya umano ng suspek ang dalawang dalagita na kumain at doon ay napadpad sila sa isang mall sa crossing sa Mandaluyong City.

Matapos kumain ay niyaya ng suspek ang biktima na pumunta kung saan at iniwan nila ang kaklase nito sa isang fast food na kanilang kinainan.

“Binilihan pa daw siya ng pantalon ng suspek dahil na naka-uniporme pa siya at pinasuot din sa kanya ang dala nitong damit,” salaysay ng ina ng biktima sa himpilan ng pulisya.

Humantong ang dalagita at ang suspek sa motel malapit sa kinainan nilang fast food at doon ay isinagawa ng lalaki ang pagnanasa sa walang kalaban-labang biktima.

Makalipas ang isang oras at naganap na ang panghahalay ay binalikan na ng suspek at biktima ang kaklase nitong naghihintay sa fast food at ito naman ang isinasama ng lalaki, ayon sa salaysay ng biktima.

Subalit hindi naman sumama ang kaklase ng biktima kaya hinipuan na lang ito sa maselang bahagi ng katawan ng suspek at saka ninakaw ang cell phone nito bago umalis.

Samantala, nakunan naman ng CCTV sa Luneta ang paglapit ng suspek sa dalawa at nahagip din sa CCTV ng mall ang pagdating ng mga ito sa isang fast food.

Sa ngayon ay humihingi ng tulong ang magulang ng biktima para sa mabilisang pagkakakilanlan ng suspek at pagdakip dito upang mabigyan ng hustisya ang sinapit ng dalagita na ayaw nang pumasok dahil sa matin­ding trauma.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy