Una sa Balita

Grace Poe proud ninang sa kasalang bayan

By
0 610

BONGGA ang pagdiriwang ng mga taga-Dasmariñas, Cavite ng Araw ng mga Puso noong Pebrero 14, 2019 kung saan ay 622 couples ang nagpa­kasal sa isang civil mass wedding na isinagawa sa pangunguna ng mayor ng naturang lugar.

Naging bahagi ng naturang kasalang bayan si reelectionist Senator Grace Poe bilang ninang ng mga ikinasal.
Sa kanyang Facebook post, nagbigay ng ­inspiring message ang senador sa mga bagong kasal.

“Sa aking mga bagong inaanak sa kasal, pagpalain sana ang inyong buhay may-asawa ng kasaganaan at di-napapagod na pagmamahalan. Kapag sinusubok kayo, alalahanin ninyo kung bakit ninyo minahal ang isa’t isa. Walang iwanan, sa hirap at ginhawa. Maligayang Araw ng mga Puso, at mabuhay ang lahat ng bagong kasal!”
Nilagyan pa nito ng #proudninang ang kaniyang FB post.

Proud ninang aniya ito sa mga bagong mag-asawang pinagbuklod ng kasal upang patatagin ang pamilya.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More