Una sa Balita

Grace Poe patok sa Magdalo survey

0 207

NANGIBABAW ang pangalan ni Senador Grace Poe sa top choice for senator sa isinagawang nationwide survey ng Magdalo na inilabas ni Senador Antonio Trillanes IV.

Si Poe ay nakakuha ng rating na 60.4 percent mula sa 3,000 respondent na lumahok sa survey noong Abril 2-4.

Nasa ikalawang puwesto naman si Senador Cynthia Villar na may 50.8 percent at may 47.8 percent naman si dating Special Assistant to the President Christopher Lawrence ‘Bong’ Go.

Inokupa naman ni dating Senador Lito Lapid ang ika-apat na puwesto sa 42.3 percent; pang-5 si Taguig Rep. Pia Cayetano, 40.4 percent.

Ang iba pang pasok sa Magic 12 ay si dating Senador Ramon Bong Revilla Jr. (39.1 percent), dating Philippine National Police (PNP) chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa (36.9 percent), Senador Bam Aquino (34.5 percent), Senador Nancy Binay (33.7 percent), Ilocos Norte Governor Imee Marcos (32.7 percent), dating Senador Jinggoy Estrada (30.9 percent) at Senador Sonny Angara (30.7 percent).

May pag-asa din na manalo sa senatorial election sina dating Interior Secretary Mar Roxas (29.3 percent), dating presidential political adviser Francis Tolentino (29 percent), Senador Koko Pimentel (25.6 percent) at Senador JV Ejercito (23.4 percent).

Ang mga respondent sa nationwide survey ay binigyan ng listahan ng mga kandidato sa pagka-senador at may tanong na :”Kung ngayon gagawin ang eleksyon sa pagka-senador, sino sa mga sumusunod na kandidato ang inyong iboboto? Pumili hanggang 12 na kandidato.”

Ayon kay Trillanes, chairman ng Magdalo, kahit dikit ang labanan ay patuloy naman umaangat ang rating ng iba pang kandidato ng Otso Diretso. (Prince Golez/Dang Samson-Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy