Una sa Balita

Grace Poe nagpasalamat sa panalo

0 161

NANGUNGUNA sa lahat ng survey si Senadora Grace Poe kaya maraming nagulat at nagtaka kung paano siya nalagpasan ni Senadora Cythia Villar sa partial at unofficial count ng mga boto sa halalan noong Mayo 13.

Gayunman, nagpasa­lamat pa rin si Poe sa pagpuwestong No. 2 dahil bilang independi­yenteng kandidato wala siyang sinandalang partido o grupo at lalong hindi siya inendorso ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na nagpanalo sa lahat ng pumasok sa Magic 12.

“Ang ating panalo ay tagumpay ng independiyensiya ng ating mga kababayang hindi tayo pinabayaan,” sabi ni Poe sa kanyang opisyal na pahayag kamakalawa. “Isang taos-pusong pasasalamat sa napakalaking mandato.
Tumakbo tayo bilang isang independiyente, walang partido, kakaunting organisadong grupo, at walang malalim na balon ng pinagkukunan.”

“Sa ating pagbabalik sa Senado at pagharap muli sa taumbayan, wala tayong ibang pasanin kundi ang kanilang interes at kapakanan,” dagdag ni Poe. “Patuloy tayong magiging independiyente, mabusisi at patas, habang isinasaisip at isinasapuso na mula sa taumbayan ang posisyong ito.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy