Una sa Balita

Grace Poe matibay sa No. 1

Lapid, Revilla, Go patok sa Magdalo survey

By
0 660

NANANATILING matatag at hindi natitinag sa puwesto si re-electionist Senator Grace Poe matapos na muli siyang mag-number one sa inilunsad na survey ng Magdalo Group para sa idaraos na eleksyon sa Mayo 13.

Sa pinakahuling senatorial survey na pinamunuan ng Magdalo Group, lumitaw na 60.6% ng mga respondent ang pabor na muling maluklok sa Senado ang anak ng yumaong Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr.

Samantala, lumundag naman sa ikaanim na puwesto mula sa dating ika-16 si dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go noong Enero na nakakuha ng 41.1%.

Dalawang miyembro ng oposisyong Otso Diretso na sina re-electionist Senator Bam Aquino at dating Senator Mar Roxas ang nakasingit sa listahan ng aspiranteng posibleng makalusot sa Magic 12 sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Lumusot sa ika-siyam na puwesto si Aquino na nakakuha ng 32.6% at ­Ro­xas sa ika-11 puwesto na may 30.9%.

Kabilang din sa Magic 12 sina re-electionist Senator Cynthia ­Villar, ­Nancy Binay, Koko Pimentel, ­Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, dating ­Senador Lito Lapid, Pia Cayetano, Bong Revilla at Jinggoy Estrada.

Isinagawa ang survey noong ­Marso 5-7, 2019 at mayroon itong 3,000 ­respondent.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy