Una sa Balita

Grace Poe matatag sa No. 1

0 831

NANGUNGUNA pa rin sa pinakapinipi­ling kandidato sa pagka-senador ang ­tumatakbong si Senador Grace Poe, ayon sa bagong survey na isinagawa ng Pulse Asia para sa nalalapit na 2019 elections.

Nakakuha ng 74.9 vote preference si Poe at hindi natinag sa unang posisyon ng listahan ng mga tumatakbong kandidato.

Malayo naman ang agwat ng sumunod kay Poe na si Senador Cynthia Villar na nakakuha ng 60.5 porsiyento ng boto mula sa mga respondente.

Sumunod kina Poe at Villar ang mga nagbabalik sa Senado na sina Taguig City Rep. Pia Cayetano at da­ting senador Lito Lapid na statistically tied sa ikatlo hanggang ika-anim na puwesto na sinundan din ni Senador Nancy Binay.

Pasok sa Magic 12 sina Senador ­Edgardo ‘Sonny’ Angara, Koko Pimen­tel, Bong Go, Jinggoy Estrada, Mar Roxas, Ilocos Rep. Imee Marcos, ­dating Senador Bong Revilla, Senador Bam Aquino, Serge Osmeña at dating ­Police Chief Bato Dela Rosa.

Isinagawa ang survey simula ­Enero 26-31, 2019 sa may 1,800 respondente.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More