Una sa Balita

Grace Poe manunuyo sa northern Luzon

0 243

SASABAK muli sa kampanya si Senador­ Grace Poe ngayong­ Martes, Abril 23, matapos ang mahabang bakasyon upang bigyan daan ang paggunita ng Semana Santa.

Susuyuin ni Sen. Poe ngayong Martes ang mga botante ng Cagayan at Isabela.

Habang sa Huwebes naman, Abril 25, ay tutungo ito ng Ilocos Sur at Norte.

Ang apat na lalawigan ay kabilang sa tinatawag na Solid North, o balwarte ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Ang Isabela ay mayroong higit sa 911,000 botante, habang ang Cagayan ay mayroon namang higit sa 647,000 botante.

Ang Ilocos Region naman ay may 3.3 mil­yong botante.

Nauna nang sinabi ni Poe na kahit nangu­nguna siya sa mga survey ay hindi siya magiging kampante dahil patuloy siyang mag-iikot sa iba’t ibang panig ng bansa hanggang sa Mayo 11, o dalawang araw bago ang halalan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy