Una sa Balita

Grace Poe kabado kahit number one sa survey

By
0 657

AMINADO si Senador Grace Poe na natatakot ito sa kanyang kandidatura bagama’t patuloy ang pa­ngunguna sa mga survey.

“You’re human, you feel flattered, and it’s very heartwarming that people continue to trust you. What I’m doing is I’m not being kampante about any of this,” saad ni Poe.

Sinabi ni Poe na hindi pa rin siya dapat magpakampante at patu­loy ang kanyang kandidatura na may pangamba.
“I’m not relaxed, not assured, no, you, as if, as Senator Loren (Legarda), who was also number one and twice, says, you’re running scared all the time,” dagdag ni Poe.

Sinabi ni Poe na malaking ha­mon aniya sa kanya ngayon ay ang mapanatili ang kanyang standing sa gitna ng maraming konsideras­yon at mga popular na kandidato.

Kasabay nito, tiniyak ni Poe na kanya ring suportado ang mga kasamahan nitong reelectionist dahil deserving din ang mga ito na muling maglingkod.

Matatandaan na si Poe ang naging topnotcher noong 2013 senatorial elections at posibleng maulit ito sa Mayo dahil sa patuloy na pangunguna sa mga survey.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy