Una sa Balita

Grace Poe: Huwag singilin ang mga walang tubig

By
0 376

DAHIL dalawang linggo nang umaaray ang mga residente ng Kalakhang Maynila sa kakulangan sa suplay ng tubig, umapela si Senadora Grace Poe sa Manila Water na ilibre ang mga konsyumer na naapektuhan ng water service interruption sa pagbabayad ng kani-kanilang water bill.

Sa isinagawang public hearing ng Senate committee on public services hinggil sa isyu, sinabi ni Poe na ito ang maaaring maihatid na ayuda ng water concessionaire sa kanilang konsyumer ga­yong hindi pa rin tiyak kung kailan maibabalik ang normal na suplay ng tubig.

“Can consumers affected by the water woes be exempted from paying their bills?” ani Poe.

“Ano ang aasahan ng ating mga kababayan? Kailan totally ma-address ang problemang ito? Are the consumers going to be compensated or will their bills be lower for this month? Or ­puwede bang libre muna, sa mga affected consumers?” pagtatanong pa ni Poe.

Sinabi naman ni Ferdinand dela Cruz, president at chief executive officer ng Manila Water, base aniya sa prescribed procedure ng MWSS, minimum amount o hindi ganoon kalaking bill lamang ang maibibigay na ayuda sa ngayon ng kanilang ahensiya.

Wala pa rin aniya sa kanilang pag-uusap ang mailibre nang buo ang mga naapektuhan ng water interruption dahil ang pokus aniya nila sa ­ngayon ay kung paano maibabalik sa normal ang suplay ng tubig sa Metro Manila at Rizal.
“There’s no discussion yet on that because our focus is restoration of the service,” sabi ni Dela Cruz.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More