Una sa Balita

Grace Poe frontrunner sa pulse asia

By
0 432

WALANG duda na kung ngayon idaraos ang eleksyon, tiyak na hindi magigiba sa puwesto si reelectionist Senator Grace Poe dahil sa patuloy na pag-arangkada nito bilang Number 1 pa rin sa pinakahuling pre-election survey ng Pulse Asia noong nakaraang buwan habang si dating Presidential adviser on Political Affairs Francis Tolentino ay naka-entra na rin sa Magic 12.

Batay sa resulta ng pinakahuling survey ng Pulse Asia simula Pebrero 24 hanggang 28 ng taong ito, hindi pa rin nagigiba sa Top 1 ang anak ng yumaong Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. matapos itong makakuha ng 67.5% approval ratings sa mga botante.

Sumunod sa kanya ang isa pang bete­rana ng Senado na si reelectionist Sen. Cynthia Villar na may 61%.

Patuloy din na kinakabog ng baguhan sa karera sa Senado na si dating special assistant to the President Bong Go ang mga kapwa niya aspirante dahil sa pag­lundag niya sa ikatlong puwesto mula sa ikaanim nang makakuha ito ng 53 %.
Liyamado rin sa survey si reelectionist Sen. Sonny Angara na pang-apat matapos itong makakuha ng 52.2 %
Nakakaamoy din ng tagumpay ang nagbabalik sa Senado na si Lito Lapid dahil sa patuloy na pagkapako niya sa ikalimang puwesto mula sa nakuha niyang 49%.

Nasa ikaanim na puwesto naman si da­ting Sen. Pia Cayetano na nakakuha ng 47%

Wagi rin sa pinakahu­ling survey ng Pulse Asia ang isa pang pambato ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na si dating PNP chief Ro­nald ‘Bato’ Dela Rosa makaraang makalusot sa Magic 12 dahil sa puwesto nitong ikapito na may 44.5%.
Ang ilan pa sa mga nakapasok sa Magic 12 ay sina Sen. Nancy Binay, Mar Roxas, dating Sen. Bong Revilla, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at Sen. Koko Pimentel.

Kasama ring pumasok si dating Sen. Jinggoy Estrada.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy