Una sa Balita

Grace Poe ‘di matitibag sa number one spot

0 552

BAGAMA’T aminado si Senador Grace Poe na natatakot sa kanyang kandidatura kahit patuloy ang pangunguna sa pitong nagdaang survey, naniniwala ang ilang political strategists na mahirap nang bakbakin ang senadora sa pagiging topnotcher sa halalan sa Mayo.

“You’re human, you feel flattered, and it’s very heartwarming that people continue to trust you. What I’m doing is I’m not being kampante about any of this,” saad ni Poe.

Ayon kay STORM Consultants strategist Perry Callanta, dapat na makampante na si Poe dahil mahirap siyang tibagin sa pangunguna sa midterm elections sa Mayo.

“Paano masisibak sa pagiging topnotcher si Poe kung malakas pa rin ang ‘FPJ Magic’ na kitang-kita sa pag-angat din ni Lito Lapid sa huling survey ng Social Weather Station (SWS) sanhi ng kanyang papel sa seryeng ‘Ang Probinsyano’ sa ABS-CBN,” ani Callanta.

“Kung hindi lang bawal na ngayon, dapat naisip ni General ‘Bato’ dela Rosa na gumanap kahit extra lang siya sa seryeng pinagbidahan ni Coco Martin, ewan ko lang kung hindi siya umangat sa top 5 sa mga survey,” dagdag ni Callanta.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy