Una sa Balita

Grace Poe bukas sa sanib–puwersa sa Makabayan

By
0 651

UPANG makagawa ng mga batas na mapakikinabangan ng taumbayan, nagpahayag ng interes ang reeleksyunistang si Senadora Grace Poe na makianib sa Makabayan bloc kasama ang ilang kandidato sa pagka-senador.

Ito ay matapos iendorso ng partido si Poe at iba pang kandidato sa pagka-senador tulad ni dating Rep. Neri Colmenares, re-electionist Sen. Bam Aquino, at opposition bets na sina Chel Diok­no, Samira Gutoc, Florin Hilbay, Erin Tañada at dating Senador Serge Osmeña III.

Sinabi ni Poe na tulad ng Makabayan bloc ay layunin din nitong magtulak ng mga batas na mapapakinabangan ng publiko.

“We have shared goals with Makabayan bloc for the people, and we offer our commitment to pursue legislation built on our unity and coo­peration for the benefit of the people,” ani Poe.

Binalikan pa ni Poe ang naging papel ng Maka­bayan sa pagsuporta nito sa presidential bid ng kanyang nayumaong ama na si Fernando Poe, Jr. noong 2004 at kanyang sariling candidacy noong 2013 at 2016.

Tulad ni Poe, bukas din si Senadora Nancy Binay na makianib sa partido.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More