Una sa Balita

Grace Poe biktima ng depektibong VCM

0 152

ISA si re-electionist Senator Grace Poe sa mga botanteng naantala ang pagboto kahapon dahil sa depektibong vote-counting machine (VCM).

Alas-9:30 ng umaga nang dumating sa Sta. Lucia Elementary School sa San Juan City si Poe pera natapos itong bumoto pasado alas-11:30 na nang umaga.

Nabatid na naghintay umano si Poe ng mahabang oras matapos magkaroon ng problema sa VCM.

Napag-alamang umabot pa ng tatlong oras bago simulan ang halalan at mahabang pila ang naranasan ng mga botante ng Sta. Lucia Elementary School.

Dumating ang bagong VCM matapos ang isang oras.

Ayon sa mga nakabantay na guro sa presinto ni Poe, nagkaroon ng aberya sa machine at ayaw basahin ang mga boto.

Ang pagkalat ng tinta sa balota ang isa sa nakitang dahilan gayundin ang ilang technical issue gaya ng paper jam at malfunctioning machine.

Agad namang inireport ng mga nakatalagang guro ang problema sa Comelec.
Maging sa Tomas Morato Elementary School sa Quezon City ay may naranasang pag-malfunction sa VCM.

Pagdating ng matandang Binay sa Cluster 162 sa ikalawang palapag ng nasabing paaralan ay nagmistulang napikon at nagalit ito nang hindi tinanggap sa vote-counting machine (VCM) ang kanyang balota na ni reject ito.

Si dating Vice President Jejomar Binay ay nakaranas din ng kapalpakan.

Ito ay matapos na dalawag beses nitong subukang isubo ang form katulong ang mga board election inspector ngunit hindi pa rin tinanggap ito.

Maliban sa mga nabanggit ay marami pang naitalang kapalpakan sa VCM ang Commission on Elections (Comelec). (Vicky Aquino/Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy