Una sa Balita

Grace, kilig na kilig kay Gabby!

0 3

Present si Gabby Concepcion sa political rally ng Partido Galing at Puso (PGP) sa Bacolod City noong Biyernes (March 18) upang iendorso ang kandidatura ni Grace Poe bilang pangulo ng Pilipinas.

Sinalubong ng hiyawan ang bida ng Because of You ng GMA7 ng mahigit 24,000 kataong nanood sa Bacolod Plaza ng rally ng mga kandidato ng PGP na pinangungunahan ni Grace at kaniyang running mate na si Sen. Chiz Escudero.

“Grace Poe is my personal friend. Mine is a personal choice. I have no political agenda. She suppor­ted me back in the days. She has my support… anytime,” sey ng post ni Gabby sa Instagram pagkatapos ng rally kasama ng picture nila ni Grace noong 1981.

Kilig much nga ang anak ni “Da King” Fernando Poe Jr. dahil teenage crush niya ang 1980s ma­tinee idol.

“When we were teenagers, Gabby, Alfie Anido and Albert Martinez were the (stars) who were really cute!” sey ni Grace.

Noon nga raw sumailalim siya sa tonsillectomy noong siya ay bata pa, dinala pa ni Da King si Gabby sa hospital para sorpresahin si Grace.

“Noong ako ay Grade 5, nagkaroon ako ng tonsillectomy, or Grade 6 ba ‘yun? Ang tatay (FPJ) ko takot na takot. Kaya ang unang bisita ko si Gabby Concepcion,” natatawang kwento ni Grace.

“Paggising ko ulit, nandoon naman si William Martinez,” sabi pa ng senadora habang pinupunto kung gaano siya ini-spoil ni Da King noong siya ay bata pa.

Kasamaan nina Sunshine at  Paolo, buking na ni Eddie!

Sa Little Nanay ngayong gabi, tinawagan ni Peter (Mark Herras) sina Annie (Nora Aunor), Berto (Bembol Roco) at Bruce (Juancho Triviño) para tulungan nila si Tinay (Kris Bernal) sa paggawa ng bagong sample toy. Pinatawag naman agad ni Helga (Sunshine Dizon) si Tinay para sa board meeting dahil kumpleto na ang board members. Na-convince ni Tinay ang board at in-approve for production ang “family toy set” niya na hindi ikinatuwa ni Helga.

Magkakairingan sina Annie at Helga pagkatapos ng meeting. Pagdating sa mansion, pag-uusapan pa rin nina Stanley (Paolo Contis) at Helga ang nangyari sa meeting na in-approve pa rin ng board ang “family toy set” ni Tinay kahit sinabotahe na nila ito; nagbanta pa si Helga na hahanapan at hahanapan nila ng butas si Tinay; wala silang kamalay-malay na naririnig ni Don Miguel (Eddie Garcia) ang usapan nila.

Masaya si Chiechie (Chlaui Malayao) sa magandang balita at natutuwa siya na madalas nang magkasama sa opisina sina Archie (Hiro Peralta) at Tinay. Samantala, kinausap nina Annie at Berto si Atty. Ge­rald (Renz Fernandez) at sinabi nitong may mga nakalap na siyang ebidensiya laban kina Helga at Stanley at may mga kinakausap na siyang posibleng tetestigo kung sakali. Kinausap ng mga Batongbuhay si Tinay at sinabihang puwede na siyang tumigil sa pagtatrabaho sa kumpanya ng mga Vallejo kung hindi na niya kaya pero nanindigan si Tinay na gagawin niya pa rin ang trabaho para kay Don Miguel kaya tuwa ang lahat sa kaniya.

Sa panibagong board meeting, sinabi ni Helga na pagtatrabahuin ang mga empleyado kahit weekends at iiklian pa lalo ang break time nila dahil naghahabol sila ng deadline at papayag naman ang board dahil profit ang habol nila at hindi kapakanan ng mga tao nila.

Umiikot sina Peter at Tinay sa factory nang big­lang may mahimatay na trabahador dahil sa gutom at nang malaman nilang hindi pa pala nag­la-lunch ang mga trabahador dahil tinanggal na ni Stanley ang meal allowance at iniklian ang break time kaya hindi makapunta ang mga trabahador sa murang ka­rinderya sa labas ng factory ay pinatigil muna silang lahat ni Tinay sa pagtatrabaho at pinag-lunch break; tuwang nagsilabasan ang mga trabahador.

Ginamit ni Helga ang insidente para impluwensiyahan ang board na paalisin na si Tinay sa company dahil raw sa mga padalus-dalos na desisyon niya at the expense of the company’s productivity; maku-convince naman niya ang board. Pinaalis na nga ni Helga si Tinay dahil ‘yon ang desisyon ng board na ikinagulat naman ni Tinay.

Madaratnan nina Atty. Gerald, Peter at Archie na pinalalayas ni Helga si Tinay at pati sila ay paaalisin ni Helga. Magugulat silang lahat nang biglang magsalita si Don Miguel out of nowhere para patigilin si Helga; mapapatingin sila sa pinanggalingan ng boses at makikita nila si Don Miguel na nakasakay sa wheelchair na tulak ng private nurse niya. Malinaw na sinabi ni Don Miguel na hindi aalis sa company si Tinay sabay biglang tayo mula sa wheelchair kaya lalong gulat ang lahat dahil hindi lang ito nakapagsasalita nang maayos kundi nakatatayo na rin.